Posts

TINIG NG MGA KABATAAN HINGGIL SA IPINATUPAD NA HOUSE BILL 8858

Image
       "Ang kabataan ang pag-asa ng bayan." ito ang katagang tumatak sa ating puso't isipan. Subalit, sa paglipas ng panahon, ay tila unti-unti na itong kumukupas at nabubura sa kadahilanang ang mga kabataan ngayon ay nalantad na sa krimen at karahasan.       Hindi natin maitatanggi, na ang bilang ng mga krimen sa Pilipinas ay patuloy na tumataas. Sa katunayan nga maraming ulat ang kumakalat tungkol sa lumalaking isyu ng mga kabataan na sangkot at nasasangkot sa krimen. Dahil sa kahirapan maraming kabataan ang napipilitan magnakaw. Ang ilan pa nga ay nalulong na sa paggamit ng ilegal na droga, nakakagawa ng hindi nararapat sa wastong edad tulad na lamang ng pang-aabuso sa kapwa kabataan at marami pang iba. Ngunit, sa kabila ng lahat ng ito ay may iilan pa ring naniniwala na nakakagawa lamang ng krimen ang isang kabataan dahil sa kagustuhan nitong protektahan ang sarili laban sa karahasan.           Sa patu...