TINIG NG MGA KABATAAN HINGGIL SA IPINATUPAD NA HOUSE BILL 8858

   
   "Ang kabataan ang pag-asa ng bayan." ito ang katagang tumatak sa ating puso't isipan. Subalit, sa paglipas ng panahon, ay tila unti-unti na itong kumukupas at nabubura sa kadahilanang ang mga kabataan ngayon ay nalantad na sa krimen at karahasan. 
     Hindi natin maitatanggi, na ang bilang ng mga krimen sa Pilipinas ay patuloy na tumataas. Sa katunayan nga maraming ulat ang kumakalat tungkol sa lumalaking isyu ng mga kabataan na sangkot at nasasangkot sa krimen. Dahil sa kahirapan maraming kabataan ang napipilitan magnakaw. Ang ilan pa nga ay nalulong na sa paggamit ng ilegal na droga, nakakagawa ng hindi nararapat sa wastong edad tulad na lamang ng pang-aabuso sa kapwa kabataan at marami pang iba. Ngunit, sa kabila ng lahat ng ito ay may iilan pa ring naniniwala na nakakagawa lamang ng krimen ang isang kabataan dahil sa kagustuhan nitong protektahan ang sarili laban sa karahasan.      
    Sa patuloy na paglaki ng bilang ng mga kabataang nasasangkot sa krimen, isa ito sa mga isyu ng Pilipinas na nais tuldukan at iresolba, kung kaya't agad na naglatag ng aksyon ang kongreso na kung saan ay naglunsad sila ng isang batas o house bill pagpapatungkol sa pagbaba ng edad na maaaring managot sa krimen. 

     Ang Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas ay inaprubahan na ang House bill 8858 kung saan ibinaba ang pananagutan ng krimen mula 15 anyos to 12 anyos na gulang. Sa ilalim ng batas na ito ang sino mang 12-17 anyos na nakagawa at napatunayan sa nasabing krimen ay ipapadala sa pinakamalapit na Intensive Juvenile Intervention and Support Center. Napakahalaga ng batas na ito lalo na't napapadalas ang mga krimen dulot ng kabataan, karamihan ng biktima ay napagtripan lamang. Noong 2016 and datos ng krimen mula sa kabataan 9 na taong gulang pababa ay 229 at 822 naman mula sa 9-11 taong gulang. Ang krimen na dulot ng 16-17 taong gulang noong 2016 ay umabot ng higit kumulang pitong libo. Sa mga datos palang na ito ay masasabi na nating bagamat may kaparusahan sa kabataan, ito ay hindi sapat upang magkaroon ng sapat na takot at pananagutan ang sino mang gagawa ng krimen. 
     Ayon kay Jamil Santos ng BaliTambayan, sa panayam kay Attorney Gaby Concepcion noong Setyembre 9, 2022, sinabing sa ilalim ng pangkalahatang tuntunin, ang mga menor de edad na 15 taong gulang pababa na nakagawa ng karumal-dumal na krimen ay ilalagay sa mga espesyal na pasilidad tulad ng Bahay Pag-asa. Ayon sa kanya, aminado ang mga mambabatas na hindi lubos na nauunawaan ng mga kabataang ito ang kanilang ginawa at madaling naimpluwensyahan ng mga nakatatanda o makikita sa kanilang paligid. 
     Gayunpaman, ang balita ng mga krimen na ginawa ng mga menor de edad ay naalarma sa publiko. Katulad noong nakaraang buwan, isang menor de edad ang sinaksak at binugbog sa ulo gamit ang baseball bat sa harap ng isang paaralan sa Quezon City ng isa pang menor de edad. Maaaring nagkamali ito, ayon sa kaanak ng biktima, ngunit positibong kilala sila ng biktima. Gayundin, noong Hulyo ng taong ito, dalawang menor de edad na nasa labas ng pamimili ang pinagsasaksak ng iba pang mga menor de edad sa Iloilo City. 
     Ang publiko ay naglabas ng iba't ibang komento mula sa social media. Sinasabi ng iba na ang mga menor de edad ay naging matapang at nagyayabang dahil alam nilang hindi sila makukulong; samakatuwid, dapat silang makaranas ng kamay na bakal, o ang bata at mga magulang ay maaaring kasuhan. Nais ng iba na makulong ang magulang o managot sa krimen ng bata. Ang iba ay sumang-ayon na ang batas sa Pilipinas ay dapat baguhin o pagbutihin upang matugunan ang mga krimen na kinasasangkutan ng mga menor de edad. Inaprubahan sa House committee on justice ang panukalang batas na layong ibaba sa siyam na taong gulang ang minimum age of criminal liability. 
   Mula sa kasalukuyang 15 anyos, ibinababa ng House Bill No. 505 sa siyam na taong gulang ang edad ng bata na maaaring managot sa batas kapag siya ay nakagawa ng krimen."Let it be understood that with the present bill, we are not putting these children in jail but in reformative institutions to correct their ways and bring them back to the community," paliwanag ni Leachon."They are not branded as criminals but children in conflict with law," ani Leachon. 
     Inihayag din ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde na pabor siyang ibaba sa siyam na taong gulang ang minimum age of criminal liability. Pabata raw kasi ng pabata ang mga kabataang nasasangkot sa krimen tulad ng pagtutulak ng ilegal na droga, panggagahasa, at iba pa, ani Albayalde sa isang press briefing. Ayon pa kay Albayalde, dapat ay mas mabigat ang parusa sa mga magulang na ibubuyo sa kriminalidad ang kanilang mga anak. 

   Maaaring nagagawa lamang ng mga batang minor de edad ang Isang krimen para sa kanilang proteksyon, ngunit ito ay paulit ulit na mangyayari kung ito ay walang kapalit na kaparusahan. Ang pagpatupad ng batas para sa mga batang nakagawa ng krimen ay tama lamang, hindi man matigil sa pamamagitan nito ngunit mababawasan naman. Ang pagpapatupad nito ay hindi lamang sa kadahilanang para takutin Ang mga batang gumawa ng krimen, kung hindi maging dahilan upang magbigay kaalaman sa kanila na kahit anong pangaabuso at paggawa ng masama sa kanila ay may kapalit na kaparusahan. Ang pagkakaroon ng rehabiltasyon para sa mga batang ito ay hindi sapat upang maiwasan ang ganitong mga pangyayari. Mas mainam din para sa mga magulang na mas bigyan pansin at bantayang mabuti ang kanilang mga anak, at sa kanila unang magmumula ang pagkatuto ng mga bata kung ano ang tama at mali, upang mabawasan at maiwasan ang pagkakaroon at pagtaas ng mga batang nakakagawa ng krimen.
   Ang pagpapatupad ng batas upang maging parusa sa mga menor de edad na nakakagawa ng krimen ay nararapat lamang. Ito ay magsisilbing aral sa kanila upang matigil at mabawasan ang paggawa ng mga krimen sa murang edad pa lamang. Upang maging mas epektibo ang mga batas, nararapat din ating tulungan ang ating sarili at kapwa kabataan bilang isa sa mga kabataan ngayon na umiwas sa masasamang gawain na maaring magdulot ng krimen.